Si Bobi ang Tatay ko.
Natatawa ko sa kanya. Nilibre ko siya ng almusal kahapon. Pambawi kasi di ko siya sinipot nung Fathers’ Day.
Bobi: Tinatanong ka nga pala sakin ni Jun.
Ako: Jun?
Bobi: Si Jun Cruz Reyes. Mag workshop ka daw sa kanya.
Ako: Ahhh.
(sorry for the name-drop)
Natatawa ko sa kanya. Hanggang ngayon umaasa pa rin na makakapagsulat ako ng seryoso. Palanca daw. Sayang daw. Di naman ako karapatdapat sa pagsusulat.
Ibang-iba talaga sila ng Nanay ko. Ibang-iba ang pangarap para sakin.
Tumango na lang ako kay Bobi. Paano mo sasabihin sa sarili mong ama na nilamon na ko ng corporate world at ng pag-pangarap sa ibang bansa? Paano ko sasabihin “Tay, salamat. Pero matagal na’kong patay.” ?
Di ko masabi dahil mahal ako ni Bobi.
Happy Fathers’ Day.